📋 Sa Article na Ito
- Naranasan Mo Na Ba Ito?
- Bakit Lumipat sa Homemade Pet Food?
- Pet Food Myths: Totoo o Hindi?
- Cost Comparison: Commercial vs Homemade
- For the Dogs 🐶
- For the Cats 🐱
- Pwede Bang Kainin ng Aso o Pusa Ang…?
- Homemade Dog Food Recipes
- Homemade Cat Food Recipes
- Paano Mag-switch sa Homemade Pet Food
- Signs na Hiyang na Sila sa Homemade Pet Food
- Signs na Hindi Sila Hiyang — at Kailan Need Pumunta sa Vet
- Meal Prep Tips para Makatipid
- Magkano ang Matitipid sa Homemade Pet Food?
- 7 Common Mistakes na Dapat Iwasan
- Kitchen Tools na Makakatulong
- Kailan Dapat Pumunta sa Vet?
- Frequently Asked Questions
- Proud Kuripot Verdict
Napansin mo rin ba na parang haouse buwan-buwan na lang ay tumataas ang presyo ng dog food at cat food? 🐶🐱💸
And if you are a furparent or pet owner, malamang naranasan mo na rin ang mga ganitong sitwasyon:
✔️ Kakabili mo lang ng isang malaking sako ng dog food — ubos na agad sa loob ng ilang linggo.
✔️ Gusto mong bigyan ng mas healthy na pagkain ang fur baby mo, pero super pricey naman ng mga premium brands.
✔️ Naiisip mo nang ibigay ang tirang ulam mo sa kanila — adobo, sinigang, o kahit anong natirang luto.
Pero safe nga ba yun? 🤔
Dito pumapasok ang homemade pet food. Hindi lang ito mas budget-friendly — alam mo mismo kung ano ang eksaktong kinakain ng fur baby mo kasi ikaw ang nag prep. Mas natural, mas controlled, at mas safe ang ingredients.
Pero may tamang paraan ang paghahanda at paggawa ng homemade pet food. This article will be your complete guide para malaman kung ano ang safe, ano ang delikado, at paano ka makakapagluto ng masustansya at sulit na pagkain para sa iyong alaga — gamit lang ang mga ingredients na madaling makita sa palengke.

Grabe ang presyo ng commercial pet food ngayon — kaya maraming Pinoy pet owners ang nag-eexplore na ng homemade alternatives. 📦💸

Mas mura, mas safe, at mas masustansya — ganito ang homemade pet food para sa iyong fur baby. 🐾
🐾 Why Switch to Homemade Pet Food?
Hindi naman kailangang i-switch agad ang buong food/meal ng fur baby mo. Pero kung iniisip mo kung sulit nga ba ito, here are some of the reasons bakit maraming Pinoy furparents ang lumipat na sa homemade pet food:
💰 Mas Mura
Ang cost ng isang kilong decent commercial dog food ay nasa ₱200–₱500+. Kung ikaw mismo ang magluluto gamit ang chicken, kalabasa, at kanin na nabibili sa palengke, mas makakatipid ka — lalo na kung kung maramihan ka magluto. Kaya ng isang batch ng ₱100–₱150 na puwede nang tumagal ng ilang araw para sa medium-sized pet dog.
🧾 Ikaw ang May Control sa Ingredients
Maraming commercial pet foods ay may fillers — mga sangkap na walang sustansya, para mas mukhang marami ang serving. Sa homemade, ikaw ang pipili kung ano ang mga sangkap na nasa bowl ng iyong alaga.
🏥 Mas Kaunting Allergy Issues
May mga aso at pusa na sensitive sa ilang pagkain. Sa homemade pet food, mas madaling matukoy kung anong ingredient ang nagti-trigger ng allergy — at mas madaling tanggalin sa food nila.
Ang homemade food ay maaaring pamalit o dagdag lang sa commercial food — pero hindi ibig sabihin na homemade ay kumpleto na agad sa lahat ng nutrients na kailangan nila. Para sa full homemade diet long-term, magtanong sa vet ng iyong alaga para masigurado ang tamang nutrient balance.
🧐 Pet Food Myths: Fact o Fake? ⭐
From Facebook groups to Reddit discussion hanggang sa mga payo ng kapwa pet owners, ang daming information about sa pagkain ng ating furbabies. Pero hindi lahat ng madalas nating marinig ay totoo. Baka may ilan dito na akala mo rin ay tama!

Maraming pet owners ang may maling beliefs pagdating sa pagkain ng kanilang aso at pusa — alamin ang totoo.
Okay lang ibigay ang tira-tirang adobo basta tanggalin mo ang karne.
It is still NOT safe. Kahit alisin mo ang sibuyas at bawang, puwedeng may natira pa ring seasoning o sabaw na kumapit sa meat. Kahit kaunting sibuyas o bawang lang ay puwedeng makasama sa aso at pusa.
Mas healthy ang hilaw na karne (raw meat) para sa mga aso at pusa.
Not always. Kapag hindi maayos ang paghahanda, puwedeng magkaroon ng bacteria o parasites na makakasama sa alaga mo. Para sa karamihan ng pet owners, mas safe pa rin ang lutong pagkain.
Pareho lang ang pagkain ng aso at pusa — puwede silang magsalo sa iisang pagkain.
Magkaiba ang nutritional needs ng aso at pusa. Halimbawa, ang mga cats ay nangangailangan ng taurine na hindi sapat sa dog food. Kaya hindi magandang gawing regular na pagkain ng pusa ang dog food.
Safe ang chicken bones basta luto na — mas malambot naman kasi.
Mas delikado pa ang cooked na buto. Kapag nabiyak ito sa maliliit na piraso, puwede nitong masugatan ang tiyan o bituka ng alaga mo. Kaya kahit anong klaseng cooked bones, mas mabuting huwag na lang itong ipakain..
💸 Cost Comparison: Commercial vs Homemade
Ngayon, pag-usapan natin ang numbers — kasi dito nararamdaman ng tunay na kuripot ang savings:
| Ikukumpara | Commercial Pet Food | Homemade Pet Food |
|---|---|---|
| Presyo | ₱250–₱500/kg | ₱80–₱150 per batch ✓ |
| Mga Sangkap | May unknown fillers | Alam mo lahat ✓ |
| Recipe | Fixed, hindi mo mababago | Pwede mong i-adjust ✓ |
| Freshness | May preservatives | Fresh, walang preservative ✓ |
| Allergy Control | Mahirap matukoy | Madaling i-identify ✓ |
| Convenience | Mas convenient ✓ | Kailangan ng oras magluto |
| Nutrition | Kumpleto kung premium ✓ | Kailangan ng proper planning |
💸 Magkano nga ba ang Matitipid sa Homemade Pet Food?

Ang tunay na Proud Kuripot move — kuwentahin natin kung magkano talaga ang natitipid sa homemade pet food bawat buwan. 💰
Pero gaano nga ba talaga kalaki ang matitipid mo? Para magkaroon tayo ng idea, gumawa tayo ng sample monthly cost comparison para sa isang typical na Pinoy pet owner. Check mo ito:
| Gastusin | Commercial | Homemade |
|---|---|---|
| Per batch / serving | ₱150–₱200 | ₱40–₱60 |
| Per week (14 meals) | ₱1,050–₱1,400 | ₱280–₱420 |
| Per month (est.) | ₱4,500–₱6,000 | ₱1,200–₱1,800 |
| Gastusin | Commercial | Homemade |
|---|---|---|
| Per batch / serving | ₱80–₱120 | ₱20–₱35 |
| Per week (14–21 meals) | ₱560–₱840 | ₱140–₱245 |
| Per month (est.) | ₱2,400–₱3,600 | ₱600–₱1,050 |
Kung nagpapadala ka ng budget para sa pagkain at pag-aalaga ng aso o pusa mo sa Pilipinas, puwedeng makatulong ang homemade pet food para mapababa ang monthly expense. Depende sa laki ng alaga at sa pagkain na ginagamit dati, posibleng makatipid ng humigit-kumulang ₱1,350 hanggang ₱4,200 kada buwan. Sa loob ng isang taon, malaking halaga rin iyon na puwedeng maidagdag sa ipon o ibang gastusin ng pamilya.
* This sample computation is based sa average cost ng ingredients sa mga palengke at supermarket sa Metro Manila noong 2026. Maaaring mas mataas o mas mababa ang matitipid depende sa laki ng alaga mo, presyo ng ingredients sa inyong lugar, at sa pet food na karaniwan mong binibili.
🐶 Para sa mga Aso: Ano ang Safe at Delikado?

Hindi lahat ng pagkain ay safe para sa iyong aso — alamin ang mga dapat ibigay at dapat iwasan.
✅ Mga Safe na Sangkap para sa Aso
Proteins (kailangan ito!):
🐟 Tilapia / Bangus (luto, walang tinik)
🥩 Lean Beef (luto)
🥩 Lean Pork (luto, konti lang)
🥚 Itlog (hard-boiled o scrambled, walang asin)
🫀 Chicken Liver (konti lang — rich sa Vit. A)
Carbohydrates:
🍠 Kamote (sweet potato)
🥔 Patatas (luto, walang balat)
Gulay:
🎃 Kalabasa
🫘 Green Beans
🌿 Malunggay (nutritious!)
🥬 Spinach (konti lang)
❌ Huwag Ibigay sa Aso (Delikado!)
Kahit ang luto na pagkain na may sibuyas o bawang — kahit konting konti, kahit powder firn pa — ay delikado pa rin sa aso. Huwag ibigay ang tirang adobo, sinigang, o ulam na may seasoning.
| Sangkap | Bakit Delikado |
|---|---|
| 🧅 Sibuyas at Bawang | Nagdudulot ng red blood cell damage — pwedeng makamatay |
| 🍇 Ubas at Pasas | Kidney failure kahit maliit na halaga |
| 🍫 Tsokolate | Theobromine — delikado sa aso |
| 🍬 Xylitol (sugar substitute) | Liver failure at hypoglycemia |
| 🥑 Avocado | Persin — delikado sa aso |
| 🥜 Macadamia Nuts | Neurological problems |
| 🍺 Alcohol | Malaking epekto kahit maliit na halaga |
| 🧂 Maalat na Pagkain | Sodium poisoning |
| 🦴 Cooked Bones | Madaling mapiyak at makapunit ng katawan |
🐱 Para sa mga Pusa: Ano ang Safe at Delikado?
Ang pusa ay tunay na meat-eater (obligate carnivore). Kailangan nila ng meat bilang pangunahing pagkain — hindi sila pwedeng mabuhay sa plant-based food. Ang kanilang nutritional needs ay iba sa aso, kaya huwag mong pakakainin ng dog food ang iyong pusa.

Ang pusa ay mas sensitive pa sa ilang ingredients kaysa aso — kailangan ng special attention sa kanilang pagkain.
✅ Mga Safe na Sangkap para sa Pusa
Proteins (main part ng pagkain — priority ito!):
🐟 Tilapia / Bangus (luto, walang tinik)
🐠 Salmon (luto)
🦐 Hipon (luto, walang shell)
🐟 Tuna in water (konti lang — hindi main food)
🫀 Chicken Liver (konti lang, once or twice a week)
Gulay (dagdag lang — hindi main meal):
🎃 Kalabasa
🌿 Malunggay
❌ Huwag Ibigay sa Pusa (Delikado!)
| Sangkap | Bakit Delikado |
|---|---|
| 🧅 Sibuyas at Bawang | MAS DELIKADO sa pusa kaysa aso — kahit konti, pwedeng red blood cell destruction |
| 🥛 Regular Cow’s Milk | Maraming pusa ay lactose intolerant |
| 🍫 Tsokolate | Delikado |
| 🍇 Ubas at Pasas | Kidney damage |
| 🥑 Avocado | Delikado |
| 🐟 Hilaw na Isda (paulit-ulit) | Tiamin deficiency — problema sa utak at nervous system |
| 🧂 Maalat at Seasoned na Pagkain | Sodium poisoning |
| 🦴 Tinik ng Isda | Choking hazard at puwedeng makapunit ng katawan |
| 🐶 Dog Food | Hindi sapat sa nutrients ng pusa — kulang sa taurine |
❓ Pwede Bang Kainin ng Aso o Pusa Ang…?
Ito ang mga common na tanong na madalas makita sa Google at sa mga Facebook pet groups:
🍚 Homemade Recipes para sa Aso

Simple lang ang mga ingredients — chicken, kanin, at gulay mula sa palengke. Budget-friendly at masustansya.
🐔 Recipe #1: Chicken at Kanin (Classic Dog Meal)
Mga Sangkap:
- 200g chicken breast o thigh (skinless, boneless)
- 1 cup bigas (luto na)
- ½ cup kalabasa (gupit, luto)
- ½ cup carrots (gupit, luto)
- Konting coconut oil (optional)
Paano Gawin:
- Pakuluan ang chicken hanggang maluto. Walang asin. Walang seasoning.
- I-shred o i-dice ang chicken pagkaluto.
- Haluin ang chicken, kanin, at mga gulay.
- Hayaang lumamig bago ibigay sa iyong aso.
- Ang extra portions ay pwedeng i-freeze para sa susunod na araw.
💰 ₱80–₱120 per batch
🥩 Recipe #2: Beef at Kamote Power Bowl
Mga Sangkap:
- 200g lean beef (diced)
- 1 cup cooked rice
- ½ cup kamote (luto, diced)
- ¼ cup green beans (luto)
Paano Gawin:
- Pakuluan ang beef — walang asin, walang seasoning.
- I-dice ang luto na beef.
- I-mix ang lahat ng ingredients.
- Hayaang lumamig bago ihain.
💰 ₱100–₱150 per batch
🐟 Recipe #3: Fish at Gulay (Para sa Dogs na may Sensitive Stomach)
Mga Sangkap:
- 200g tilapia o bangus (luto, walang tinik)
- 1 cup kanin
- ½ cup kalabasa
- ½ cup malunggay leaves
Paano Gawin:
- Pakuluan ang isda. Siguraduhing walang tinik bago ihalo.
- I-flake ang isda pagkaluto.
- I-mix lahat.
- Hayaang lumamig.
💰 ₱70–₱100 per batch
🎂 Bonus: Dog Birthday Cake (Para sa Special Occasion!)
Mga Sangkap sa Cake:
- 1 cup whole wheat flour
- 1 itlog
- ¼ cup peanut butter (plain — walang xylitol! basahin ang label)
- ¼ cup kamote (mashed, luto)
- ¼ cup tubig
Para sa Frosting:
- Plain Greek yogurt (walang artificial sweetener), o
- Mashed kamote lang
Paano Gawin:
- I-mix lahat ng cake ingredients.
- Ibuhos sa baking pan at i-bake sa 175°C ng 25–30 minuto.
- Hayaang lumamig nang buo.
- I-frost ng yogurt o mashed kamote.
🎉 Sulit na birthday treat para sa fur baby!
🐱 Homemade Recipes para sa Pusa

Para sa pusa, protein ang priority — ang chicken at isda mula sa palengke ay perfect na base para sa homemade cat food.
🐔 Recipe #1: Chicken at Malunggay Cat Meal
Mga Sangkap:
- 150g chicken breast (luto, diced o shredded)
- 2 tbsp malunggay leaves
- 2 tbsp kalabasa (luto, mashed)
- 2 tbsp tubig o unsalted chicken broth
Paano Gawin:
- Pakuluan ang chicken — walang asin, walang sibuyas, walang bawang.
- I-shred ang chicken pagkaluto.
- Ihalo ang malunggay at kalabasa.
- Dagdagan ng kaunting tubig o broth para hindi masyadong tuyo.
- Hayaang lumamig bago ihain.
💰 ₱50–₱80 per batch
🐟 Recipe #2: Fish at Gulay para sa Pusa
Mga Sangkap:
- 200g tilapia o bangus
- Malunggay leaves
- Konting carrots (optional)
Paano Gawin:
- Pakuluan ang isda — walang seasoning.
- Alisin ang LAHAT ng tinik — ito ang pinaka-importanteng step.
- I-flake ang isda.
- Ilagay ang malunggay at carrots sa kumukulong tubig.
- Hayaang lumamig bago ihain.
💰 ₱50–₱90 per batch
🫀 Recipe #3: Chicken Liver at Kalabasa (Budget Cat Meal)
Mga Sangkap:
- 100g chicken liver (konti lang)
- 150g chicken breast
- ¼ cup kalabasa (luto, mashed)
Paano Gawin:
- Pakuluan ang chicken liver at chicken breast nang sabay — walang seasoning.
- I-chop ng maliit ang liver; i-shred ang chicken breast.
- Haluin kasama ang mashed kalabasa.
💰 ₱40–₱70 per batch
🔄 Paano Mag-switch sa Homemade Food?
Huwag biglain ang iyong alaga sa pagpapalit sa homemade food — pwedeng magka-upset stomach sila kung sudden ang pagbabago. Sundan mo ang gradual na approach na ito:
Mas mababa ang chance ng upset stomach kapag gradual ang transition. Kung may abnormal na symptoms tulad ng paulit-ulit na pagtatae o pagsusuka, itigil muna at kumonsulta sa vet.
💡 Meal Prep Tips para Makatipid
🍳 Batch Cook Once a Week
Huwag magluto ng isang serving per meal — sayang ang oras at gas. Magluto ng malaking batch, i-portion, i-freeze, tapos i-thaw lang bago ihain.
| Storage Method | Shelf Life | Tip |
|---|---|---|
| 🧊 Ref / Refrigerator | 3–4 araw lang | I-cover ng maayos, huwag ilagay sa may matapang na amoy |
| ❄️ Freezer | Up to 2 buwan | Mag-label ng date! Gamitin ang pinaka-lumang portion muna. |
🛒 Pinaka-Affordable na Protein Sources sa Pilipinas
🐟 Tilapia / Bangus — mura sa palengke
🫀 Chicken Liver — super mura, konti lang
Hindi mo kailangan ng fancy o imported na ingredients. Ang malunggay, kalabasa, at carrots — lahat ay available sa palengke, mura, at nutritious.
📊 Ilang Beses Dapat Pakainin ang Aso o Pusa?
| Age / Stage | Aso | Pusa |
|---|---|---|
| Puppy / Kitten (under 6 months) | 3–4x/day | 3–4x/day |
| 6 months – 1 year | 2–3x/day | 2–3x/day |
| Adult (1 year+) | 2x/day | 2–3x/day (mas maliit na portions) |
| Senior (7 years+) | 2x/day (mas madaling matunaw) | 2–3x/day (soft food preferred) |
🚫 7 Pagkakamaling Madalas Gawin ng Pet Owners sa Homemade Pet Food
Kahit good intentions ang goal natin para sa mga alaga natin, may ilang common mistakes na madalas gawin ng pet owners kapag naghahanda ng homemade food. Heto ang mga dapat iwasan:
Mag-ingat sa mga Ito:
✅ Mga Senyales na Hiyang ang Homemade Food sa Iyong Alaga

Ito ang mga positive signs na dapat mong hanapin sa loob ng 2–4 linggo pagkatapos mag-switch sa homemade food. 🐾
Pagkatapos mag-switch ng food, ito ang mga positibong signs na dapat mong hanapin sa loob ng 2–4 linggo:
Excited sila kapag meal time — at inuubos ang bowl nang walang natitirang pagkain.
Isa ito sa mga pinaka-visible na pagbabago — mas shiny, mas makapal, at mas kaunting naglalaglag ang mga fur.
Hindi masyadong malambot, hindi rin masyadong matigas — consistent ang consistency at kulay. Oo, kailangan mong obserbahan ito. 😅
Mas gusto pang maglaro, mas makulit, mas energetic — magandang indicator ito ng mas maayos na nutrisyon.
Walang excessive discharge o pamamaga — maliwanag at alert ang tingin ng mata.
Hindi sobrang pumapayat, hindi rin sobrang tumataba — nananatili sa healthy weight range para sa kanyang breed at edad.
🚨 Mga Senyales na Hindi Hiyang — at Kailan Kailangan ng Vet
Kung nagsimula kang mag-switch sa homemade food ng iyong alaga, mahalaga na bantayan mo rin ang mga warning signs na ito. Huwag bale-walain — lalo na kung paulit-ulit o lumalagpas sa 48 oras:
Isang beses lang ay pwedeng adjustment ng tiyan — pero kung paulit-ulit at hindi bumibigay pagkatapos ng ilang oras, kumilos na.
Normal lang minsan na medyo lumambot ang dumi ng alaga mo sa unang 1–2 araw habang nasasanay sa bagong pagkain. Pero kung tuloy-tuloy ito o may kasamang dugo, magpatingin agad sa vet.
Kung dating masigla at malikot ang alaga mo tapos bigla itong nanamlay, tahimik, o ayaw kumilos, huwag basta balewalain. Maaaring senyales ito na may problema sa kalusugan niya.
Mas sensitibo ang pusa kapag hindi kumakain nang matagal. Kung napapansin mong ilang oras o araw na siyang halos walang gana kumain, mas mabuting magpatingin agad sa vet.
Kung makikita mong kumakain ang iyong alaga pero patuloy pa ring pumapayat, pwedeng hindi sapat ang nutrients ng bagong homemade food.
Posibleng may ingredient na hindi hiyang sa alaga mo. Obserbahan kung ano ang huling nadagdag sa pagkain niya at iwasan muna ito.
- Kung tuloy-tuloy ang pagsusuka o pagtatae at hindi gumagaling sa loob ng 24–48 oras
- Kung may dugo sa dumi o suka
- Kung ang pusa mo ay mahigit 24 oras nang ayaw kumain
- Kung napapansin mong bigla siyang namamayat matapos magpalit ng pagkain
- Kung may pamamaga, hirap huminga, o maputla at kakaibang kulay ng gums
🛒 Kitchen Tools na Makakatulong sa Meal Prep
Kung plano mong gawing weekly routine ang pagluluto para sa fur baby mo, malaking tulong ang mga simpleng kitchen tools na ito. Hindi naman required lahat, pero mas mapapadali ang meal prep at portioning — at mas matitipid ka pa sa mahabang panahon.

Hindi kailangan ng mahal na kagamitan — ang mga basic na kitchen tools na ito ay malaking tulong sa homemade pet food meal prep.
🏥 Kailan Dapat Magpatingin sa Vet?
Kahit gaano kaingat ang paghahanda mo ng homemade food, may mga pagkakataon na mas mabuting humingi muna ng payo sa vet bago magpatuloy:
| Sitwasyon | Bakit Mahalaga |
|---|---|
| 🐕 May puppy o kitten ka | Mas espesyal ang pangangailangan nila sa pagkain habang lumalaki pa. |
| 🏥 May existing na health condition o maintenance na gamot ang alaga mo | May mga kondisyon na nangangailangan ng partikular na pagkain o mas maingat na meal planning. |
| 🔄 Balak mong gawing regular ang homemade food | Mahalagang masigurong nakukuha pa rin ng alaga mo ang mga sustansyang kailangan niya araw-araw. |
| 😰 May unusual symptoms pagkatapos mag-switch | Halimbawa, tuloy-tuloy na pagsusuka, pagtatae, pangangati, o mabilis na pagpayat |
| 🤰 Buntis o nagpapasuso ang iyong alaga | Mas mataas ang nutritional needs sa stage na ito |
❓FAQs: Mga Karaniwang Tanong ng Pet Owners
🐾 Ang Tatlong Golden Rules ng Homemade Pet Food
❤️ Proud Kuripot Verdict
Hindi naman kailangang gumastos nang malaki para mabigyan ng maayos na pagkain ang alaga mo. 🐾
Sa tamang ingredients at kaunting preparation, puwede kang gumawa ng homemade pet food na masustansya, safe, at pasok sa budget. Bonus na lang ang matitipid mo lalo na kung maramihan kang magluto.
Ang key takeaway bilang isang tunay na kuripot:
- Magsimula sa partial homemade bago mag-full switch
- Batch cook para makatipid ng oras at gas
- Tandaan ang mga delikadong ingredients — lalo na ang sibuyas at bawang
- I-monitor ang iyong alaga at kumonsulta sa vet kung may concern ka
Nakasubok ka na bang magluto para sa aso o pusa mo? I-share ang experience mo sa comments. Baka makatulong din ang tips mo sa ibang fur parents na gustong subukan ang homemade pet food. ❤️🐶🐱

